2 MENOR NAISALBA SA PROSTI DEN

prosti den

SINALAKAY ng mga tauhan ng Navotas Police Maritime Group ang isang videoke bar na umano’y front ang prostitution at nailigtas ang dalawang menor  na naaktuhang nakikipag-sex sa mga kostumer sa Navotas Fish Port, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas Maritime Police Station chief Supt. Marlon Camatoy, alas-11 Huwebes ng gabi nang salakayin ng kanilang binuong team sa pangunguna ni Insp. Ferdinand Hermoso ang isang videoke bar sa Market 2, na nagresulta sa pagkakaligtas sa dalawang dalagita na edad 16 at 17-anyos na naaktuhang nakikipag-sex sa mga customers.

Naaresto naman ng mga pulis ang umano’y manager ng bar na nakilalang si Rowena Catipay, 48, at kanyang pamangkin na si Erwin Duron, habang ang umano’y may-ari na si Pastora Duron ay nagawang makatakas.

Kasama ring nailigtas ng mga awtoridad ang dalawang babae na edad 18 at 26-anyos.

Sa pahayag ni offi­cer-on-case SPO2 Divina Garo, unang nagsagawa ng surveillance operation si Insp. Hermoso at kanyang mga tauhan matapos ang natanggap na tip mula sa kanilang impormante na ang naturang videoke bar ay gumagamit ng mga menor-de-edad bilang sex workers.

Nang makumpirma ang ulat, agad nagtungo ang team ni Insp. Hermoso sa naturang lugar kung saan nagpanggap ang kanilang impormante bilang kostumer at nag-alok ng sex kasama ang minor-de-edad kapalit ng P1,000.

Sinabi ni SPO2 Garo, ang naturang establisimiyento ay nakarehistro bilang restaurant at hindi videoke bar.

Sasampahan ang mga naarestong suspek ng paglabag sa R.A 10364 o Expanded Anti Trafficking in Persons Act sa Navotas City Prosecutor’s Office.   VICK TANES

Comments are closed.