2 METRONG SAGING PINAGKAGULUHAN SA ILOCOS SUR

VIGAN

HINDI makapaniwala ang mga tao sa Vigan, Ilocos Sur nang makita ang saging na may haba na halos dalawang metro.

Sinabi ni Fortunato Rabena, 76-anyos, may-ari ng puno, maging siya ay nasorpresa na mamumunga ng ganoong klase ng saging ang kanyang tanim.

Hindi naman aniya kakaiba ang seedling ng saging na hiningi niya sa kanyang pamangkin kaya nagulat na lamang siya nang makita itong mamu­nga ng aabot sa 80 piling.

Iginiit nito na wala siyang espesyal na pamamaraan sa pagtatanim at pag-aalaga ng naturang saging kung kaya’t hindi maiwasan ng kaniyang mga kapitbahay na mamangha sa bunga ng saging na itinanim ni Rabena sa kaniyang bakuran.

Nabatid na ang natu­rang tanim ni Rabena ay isa lamang sa napakara­ming species ng saging sa mundo.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.