2 MILF MEMBERS TINAMBANGAN SA GAS STATION

MILF

SULTAN KUDARAT – DALAWANG miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi makaraang tambangan ng hindi naki­lalang gunman sa isang gas station sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Police Lt. Col. Rey Egos, Tacurong City police director, kinilala ang  mga nasawi na sina Sangutin Musil alyas Commander Jerry Amino, 53, at Alex Amino Toto, 30-anyos.

Ang dalawa ay tinambangan habang nasa  Gasoline Station sa Alunan highway.

Sakay ng kotse ang dalawa at magpapagasolina sana nang dumating ang nag-iisang suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril sila.

Dead on the spot ang dalawa.

Pinaniniwalaang rido o away pamilya ang sanhi ng pamamaslang. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.