2 MINERO NA-GAS POISON SA TUNNEL

TUNNEL

BENGUET – DALAWANG minero ang nasawi nang ma­kalanghap ng nakalalasong usok sa tunnel sa Udadan, Ampukao, Itogon.

Nakilala ang mga ito na sina Fernando Anayasan, 24, tubong Bauko, Mt. Province at si Marlo Dizon, 32, residente ng Tuba, Benguet.

Ayon kay Chief Insp. Eugene Raymundo, hepe ng Itogon Municipal Police Station, alas-9:00 ng umaga nang pumasok sa minahan ang dalawa ngunit hindi na sila nakalabas pagsapit ng tanghali.

Nadatnan na lamang ng mga kasamahan na nakahandusay ang katawan ng dalawang minero sa loob ng tunnel.

Naitakbo pa sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklara nang patay.

Dahil dito, mahigpit na pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan at pulisya ng Itogon ang mga minero na sumunod sa babala ng mga kinauukulan lalo na ngayong sunod-sunod ang bagyo at malakas na pag-ulan dahil sa habagat upang maiwasan ang insidente ng gas poisoning. AIMEE ANOC

Comments are closed.