2 MINERO NA-GAS SUFFOCATE SA ABANDONADONG TUNNEL

DEAD-2

SOUTH COTABATO – DALAWANG minero ang natagpuang patay sa isang abandonadong tunnel sa Sitio Tunnel, Barangay Kematu, T’boli.

Ayon kay C/Insp. Ramil Villagracia, hepe ng T’boli-Philippine National Police, kinilala ang mga nasawing minero na sina Melvin Calan, 22, at Dino Lugan, 25, na mga residente ng Barangay Kematu at empleyado ng NSC tunnel.

Sinasabing pumasok ang mga ito sa naturang tunnel sa nasabing mining site.

Gas suffocation naman ang isa sa mga posibleng dahilan ng pagkamatay ng dalawang minero matapos matagpuang nakahandusay at hindi na humihinga sa loob ng abandonadong tunnel.

Kung maaalala, ipinag-utos nitong nakaraang Setyembre ng Mines and Geo-Sciences Bureau ang pagpapahinto ng small-scale mining operations sa bayan ng T’boli dahil sa panganib na dulot nito sa mga minero at sa kapaligiran. AIMEE ANOC

Comments are closed.