2-MINUTE OATMEAL COOKIES

Sobrang mahal ng oatmeal cookies, ewan ba kung ba­kit, samantalang napakamura naman ng oatmeal na main ingredient nito. Kung bakit ba naman kasi ito ang paborito ngayon ng mga nagda-diet, pati na rin ng mga nagsa-suffer sa constipation. Marami kasi itong fiber na kaila­ngan naman talaga ng katawan, kaya naisipan ng inyong lingkod na gumawa na lang ng sariling oatmeal cookies galing sa kusina ng mommy ko, dahil kailangan ko ring i-maintain ang figure ko pero ayoko rin namang magutom. Heto ang re­cipe ng oatmeal cookis na magagawa sa loob lamang ng dalawang minute.

Kailangan natin ng ¼ cup margarine o butter, ¼ cup sugar o kung gusto ninyong hindi masyadong matamis, bawasan ninyo ang asukal.

Tunawin ang margarine. Dagdagan ng asukal, at lutuin sa kawali hanggang matunaw ang asukal. Sa mahinang apoy lamang para hindi masunog ang asukal. Set aside muna.

Paghaluin ang two cups oatmeal, 1 cup flour at 1 tsp baking powder, salain at unti-unting ihalo sa butter mixture. Gumawa ng mga shapes (pero bilog lang po ang karaniwan kong ginagawa para madali) at ipatong sa baking pan na may wax papers. Pre heat ang oven sa 180 degrees ng dalawang mi­nuto at pag mainit na, i-bake ang cookies ng dalawang minuto rin. Palamigin at mayroon na kayong masarap at sosyal na oatmeal cookies na magtatagal ng isang buong linggo. – LEANNE SPHERE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *