TIKLO ang dalawa sa apat na kilabot na miyembro ng “basag kotse” sa entrapment operation kapalit ng halaga ng mga nakaw na laptop at cellular phone kahapon sa Pasig City.
Kinilala, ni Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya ang nadakip na sina Engelbert Rollenas, 22-anyos nakatira sa No. 2554 Kaligayahan St., Manggahan at Jayson Bobis, 41-anyos, may-asawa, residente ng No. 597 Magsaysay St., habang nakatakas ang 2 kasama nito na si Romelito Fernandez at isa pa.
Pormal naman naghain ng kasong Robbery extortion sa Pasig PNP laban sa mga suspek ang biktimang si Christopher Jason Bacani,41-anyos,salesman ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation at nakatira sa Greenpark Village, Brgy., Manggahan sa lungsod.
Nabatid na dakong alas-4 kamakalawa ng hapon nang madakip ng mga awtoridad sa entrapment ang mga suspek sa loob ng Food Chain sa IPI, Brgy., Ugong Pasig.
Nakuha sa mga suspek ang marked money na nagkakahalaga ng P12, 000.00 na may ultraviolet flourescent powder.
Nauna rito, sinabi ng pulisya na hinihingan ang biktima ng mga suspek ng P10,000.00 kapalit ng kanyang mga gamit na ninakaw.
Ayon kina SMS Jovan Quiden at Cpl. Julian Maramag, sadyang madulas ang mga suspek dahil ilang ulit na nagpalit ito ng venue para magpalitan ng pera at gamit ng biktima.
Nakapiit na ang 2 suspek habang target naman sa operasyon ang 2 pa nakatakas. ELMA MORALES