2 MIYEMBRO NG CRIMINAL GANG NASAKOTE SA SHABU

ARESTADO ang dalawa umanong miyembro ng “Ambo Criminal Gang” matapos maaktuhan ng mga pulis na nagbebenta ng illegal na droga sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina John Paul Palarion, 24-anyos at Rizalyn Retulin alyas “Inday”, 30-anyos, kapwa ng Libis Espina, Brgy. 18.

Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ng impormasyon mula sa Barangay Information Network (BIM) ang mga operatiba ng Caloocan Police Intelligence Section sa pamumuno ni Maj Rengie Deimos na nagbebenta ng shabu ang mga suspek sa Tamba St., Brgy. 18.

Kaagad pinuntahan ng mga operatiba ang naturang lugar at pagdating ng mga ito dakong ala-1:40 ng madaling araw ay nakita nila ang mga suspek na may iniabot na isang plastic sachet ng shabu sa isang hindi kilalang lalaki.

Gayunpaman nang mapansin ng mga suspek ang presensiya ng mga operatiba ay mabilis nagtakbuhan ang mga ito subalit hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto si Palarion at Retulin habang nakatakas naman ang isa pa.

Nang kapkapan ang mga ito, nakumpiska sa kanila ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.2 gramo ng shabu na tinatayang nasa P8,160 ang halaga. EVELYN GARCIA

174 thoughts on “2 MIYEMBRO NG CRIMINAL GANG NASAKOTE SA SHABU”

Comments are closed.