RIZAL- DEAD on the spot ang dalawang hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group nang makasagupa ang mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) kahapon ng umaga sa Antipolo City.
Sa ulat na isinumite kay PNP-AKG Chief Brig. Gen Jonnel Estomo ni PNP-AKG Luzon Field Unit Head Lt Col. Villaflor Bannawagan, naganap ang engkuwentro bandang ala-5:40 ng umaga sa kahabaan ng Marcos Highway sa Sitio Painuman, Barangay Inarawan ng nasabing lungsod.
Ayon kay Bannawagan, nasabat ang dalawang suspek sa inilatag na checkpoint sa naturang barangay habang sakay ng motorsiklo na walang plaka na sa halip na huminto ay nagtangkang tumakas kaya nagkaroon ng habulan at palitan ng putok.
Nauna nang nakatanggap ng intelligence report ang mga pulis kaugnay sa riding-in-tandem na magsasagwa ng robbery hold up sa lugar.
Pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis dahilan para gumanti rin ng putok.
Patay ang dalawang suspek na nakilalang sina alias Kelly at Roy na mga pinaniniwalaang miyembro ng Mokong Group na sangkot sa robbery, kidnap for ransom at maging ilegal na droga.
Nabatid na matagal ng target ng PNP-AKG ang grupong ito na pinamumunuan ng isang Ryan Dela Cruz na may warrant of arrest.
Nakuha sa encounter site ang kalibre 45 na baril, Uzi sub-machine gun at mga bala. VERLIN RUIZ
Comments are closed.