NUEVA ECIJA- DAHIL na rin sa pinaigting na kampanya ng Regional Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) dalawang dating miyembro ng CPP-NPA ang sumuko sa mga awtoridad sa San Jose City ng lalawigang ito.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Regional Director P/Brig.Gen. Val T De Leon, kinilala ang mga sumuko na si“Ka Nigan/Ka Ronnie na nasa ilalim ng Josefino Corpuz command noong 1986 hanggang 1989 na dating miyembro ng MAMBAYU sa ilalim ng AMGL Nueva Ecija mula 1992 hanggang 2017 at si Ka Joey, dating Squad Leader sa ilalim ni Arcadio Peralta Command mula 1982 hanggang 1988.
Kaagad na inindorso ni De Leon ang dalawang dating NPA sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ( E-CLIP) ng pamahalaan. THONY ARCENAL
Comments are closed.