2% MONTHLY INTEREST SA CREDIT CARD APRUB SA MGA BANGKO

CREDIT CARD

NANINIWALA ang Bankers Association of the Philippines (BAP) na makatutulong ang credit card interest rate cap para maibsan ang paghihirap ng mga Filipino mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa isang statement, sinabi ng BAP na mahalaga ang reporma sa credit card policy lalo na ss panahong ito na dumaranas ng krisis ang bansa.

“We support this initiative by the Bangko Sentral ng Pilipinas. This will help ease the burden of every household including businesses affected by the pandemic,” pahayag ni BAP managing director Banjamin Castillo.

Noong Huwebes ay inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglalagay ito ng cap o limit sa interest rate na ipinapataw ng mga bangko sa credit cards.

Ayon sa central bank, simula sa Nobyembre 3, ang interest rate ay itatakda sa 24 percent per annum, o katumbas ng interest rate na 2 percent per month.

Nauna nang sinabi ni BSP Gov. Benjamin Diokno na hindi katanggap-tanggap ang mataas na credit card interest rates sa bansa na umaabot ng hanggang 40 percent.

“The interest rate cap for credit cards is unlikely to hurt the income of banks and card issuers,” ayon sa BSP.

Pinuri rin ng BAP ang BSP sa ‘decisive and aggressive’  actions nito.

Nauna na ring ibinaba ng BSP ang overnight borrowing rate sa all-time low na 2.25 percent.

Comments are closed.