2 MOTOR RIDERS MINALAS SA AKSIDENTE

MOTOR

PARAÑAQUE CITY – PATAY ang dalawang motorcycle ri­ders at nasa kritikal na kondisyon ang angkas ng isa sa mga biktima matapos magsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo.

Dead on the spot sina Raymart Rodriguez at Jericho Tabao, kapuwa nasa hustong gulang.

Ginagamot naman sa Taguig-Pateros District Hospital dahil  sa  kritikal na kondisyon ang angkas ni Tabao na si Roger Peralta.

Sa report ng Para­ñaque City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-11:55 ng gabi sa East Service Road ng naturang lungsod.

Minamaneho ni Rodriguez ang kanyang motorsiklo at papunta ito sa area ng Bicutan at habang binabagtas nito ang naturang lugar ay nag-counterflow umano ito.

Samantalang si Tabao naman ay lasing umano habang nagmamaneho at angkas nito si Peralta at dahil mabilis ang pagpapatakbo nito ay hindi nila nakontrol ang preno at  nagsalpukan sila ni Rodriguez.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima na naging sanhi ng agarang kamatayan nina Rodriguez at Tabao. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.