2 MOTORBIKES NAGSALPUKAN: EX- ARMY PATAY, 3 SUGATAN

ISABELA-ISANG retiradong sundalo ang nasawi habang tatlo naman ang sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa daang maharlika sa bahagi ng Barangay Maligaya ng bayan ng Tumauini ng nasabing lalawigan.

Nakilala ang nasawi na si Magno Asingan, 58-anyos, may asawa, retiradong sundalo.

Habang sugatan naman ay ang driver nang nakasalpukan na motorsiklo na si Private First Class Sherwin Ford Lingbawan, 25-anyos gulang at ang angkas nila na sina Jay-ar Bulauan, 32-anyos, may-asawa, residente ng San Mateo, Tumauini, Isabela at Fely Entera, 25-anyos residente naman ng Alibagu, City of Ilagan.

Ayon kay Major Junniel Perez, hepe ng Tumauini Police Station, habang sabay umanong nag-overtake ang dalawang nagsalpukan sa kanilang sinusundan sasakyan nang kapwa nabulaga ang dalawang motorsiklo na naging dahilan ng aksidente na ikinasawi ng retiradong sundalo.

Ani Perez, hindi naman accident prone area ang pinangyarihan ng salpukan dahil ito ang unang pagkakataon na may nangyaring aksidente sa lugar.

Habang patuloy naman na inoobserbahan ang kalagayan ng tatlong nasugatan sa pagamutan, panawagan ni Perez sa mga motorista na mag-ingat at ugaliing magsuot ng helmet kung magmamaneho ng motorsiklo upang maiwasan ang anumang pinsala at huwag magmaneho kung nakainom.
IRENE GONZALES

96 thoughts on “2 MOTORBIKES NAGSALPUKAN: EX- ARMY PATAY, 3 SUGATAN”

  1. 849270 159101Hey! Im at work surfing around your weblog from my new apple iphone! Just wanted to say I enjoy reading via your weblog and look forward to all your posts! Keep up the outstanding function! 589065

Comments are closed.