CAVITE – ARESTADO ang 2 notoryus narco couriers nang makumpiskahan ng P88.4-K halaga ng shabu at pistola sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa MaryHomes Subd., Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng hapon.
Kapwa nakatira sa nasabing barangay ang mga suspek na sina Jess Vergel Joaquin y Ordonez, 39-anyos at Richard Pena y Lo, 35-anyos, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ( Omnibus Election Code).
Sa ulat ni MSg Christian Nel Cuevas na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nagpositibo sa surveillance ng drug enforcement unit ng Bacoor PNP ang mga suspek kaugnay sa bentahan ng shabu sa nasabing barangay.
Dito na nakipag-ugnayan ang Bacoor PNP sa PDEA 4A na pawang nakasuot ng body camera sa isasagawang buy-bust operation laban sa mga suspek kung saan kaagad naman nasakote.
Narekober ang 13 gramo ng shabu na may street value na P88,400.00, isang cal. 45 pistol na nasa black tactical bag, marked money na ginamit sa buy-bust operation at magazine na kargado ng 7 live ammunition.
Isinailalim na sa drug test ang mga suapek habang pina-chemical analysis sa Cavite Provincial Crime Laboratory ang 13 gramo na shabu na gagamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kasong kriminal. MHAR BASCO