KAKASUHAN ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang dalawang naarestong kamag-anak na nag-abandona sa isang senior citizen sa ilalim ng McArthur Bridge.
Magugunitang nag-viral ang post sa Facebook kung saan isang matandang babae na kinilalang si Fulgencia Tan, ang iniwan na lamang basta sa ilalim ng nasabing tulay.
Agad nakarating sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ulat kaya pinakilos nito ang Manila Department of Social Welfare na ngayon ay nasa kanila nang pangangalaga ang nasabing matanda.
Kaugnay nito, inaresto ng pulisya sa follow up operation ang mga suspek na kinilalang si Ephraim Tan Yap, 51-anyos, nakatira sa Norberto St., Binondo, Manila at isang Mrs. Emerita Decilio.
Ayon kay Yap, tita nito ang nasabing senior na tatlong linggo na naka-confine sa Metropolitan Medical Center na kung saan napunta sa kanya ang responsibilidad noong mamatay ang asawa nito.
Dagdag pa ni Mr. Yap, nilapitan niya ang isa pang suspek na si Decilio at nagpatulong na dalhin ang kanyang tita sa Missionary of Charity at nag-abot pa ito ng P1,500 para makabili ng pangangailangan nito.
“Lumapit po ako kay Emie, pagtapos po noon pumunta kaming barangay para sa certification na inaabandona ko na ang auntie ko. Kaya humingi po ako ng tulong para maipadala siya sa mga center,” pahayag ni Yap.
“Mayroon na po akong certificate sa barangay na si Mrs. Tan ay abandoned kaya kailangan tanggapin ng Missionary of Charity kasi aban-doned na,” “Pero wala pong tumanggap sa’min, kaya desperado na po ako. Aaminin ko po iniwan ko po,” giit naman ni Decilio.
Ayon kay SMaRT Chief Rosalino Ibay Jr., haharap ang mga suspek, kabilang ang drayber ng tricycle na inarkila ni Decilio na si Rogelio Espino sa kasong paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code o ‘Abandonment of Persons in Danger and Abandonment of One’s own Vic-tim.’
“Nalaman natin na ang victim ay isang Person with Disability at senior citizen. We conducted a follow-up operation na nagresulta sa pagka-ka-aresto ng tatlong malefactor natin. Ngayon, haharapin na nila ang ginawa nila,” ani Ibay.
Depensa naman ni Desilio, napag-utusan lamang siya na alagaan at dalhin sa isang center ang senior ngunit desperado na at wala na ring magagawa dahil nagtitinda lamang ito ng sampaguita kaya iniwan na lamang niya ang matanda sa ilalim ng tulay na may sapin lamang na karton. PAUL ROLDAN
Comments are closed.