2 NANAMBANG  SA LADY PROSECUTOR BULAGTA

nanlaban

ORIENTAL MINDORO – GAYA ng dati, nanlaban ang dahilan ng mga pulis kaya napaslang ang dalawang suspek sa pananambang sa isang babaeng prosecutor sa Calapan, matapos maka-engkuwentro ang mga pulis sa lungsod nitong Lunes.

Nabatid na natunton ng mga pulis na nagsasagawa ng follow-up operation ang pinaglulunggaan ng mga suspek sa Barangay Sapul, subalit bigla umanong nanlaban ang mga ito kaya nauwi sa palitan ng putok na ikinasawi ng mga suspek.

Nauna nang kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Justice Department ang pamamaril kay Fiscal Josephine Olivar noong Hunyo 10, 2019.

Hinihinilang may kaugnayan sa trabaho ng lady prosecutors ang motibo ng mga salarin ng pagbabarilin nila si Olivar habang sakay ng kanyang van.

Nakaligtas ang biktima sa kabila ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.