2 NAOSPITAL SA LIGAW NA BALA

Bala

LA UNION – NAKA-CONFINE ang dalawa katao na tumangging ipaalam ang pangalan makaraang matamaan ng ligaw na bala sa San Fernando City.

Una nang kinumpirma ng isang opisyal sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) na hindi na pina­ngalanan.

Tumanggi rin ang management ng pagamutan na ilabas ang identity ng dalawang pasyente ng ligaw na bala at kung saan lugar nanggaling ang mga ito.

Gayunman, isa sa mga pasyente ay sinasabing galing pa sa Pangasinan.

Dinala umano sa Rosario District Hospital sa bayan ng Rosario, ngunit inilipat sa ITRMC para sa kaukulang medical treatment.

Ang dalawang pasyente ay kapwa na-admit noong Martes o kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.