2 NASAKOTE; P40K SHABU NASAMSAM SA BUY-BUST OPS

LAGUNA- ARESTADO ang dalawa katao na pawang hinihinalang tulak ng droga sa pinagsanib na anti- Illegal Drug buy- bust operation sa Calamba.

Batay sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCol Rogarth Bulalacao Campo kay CALABARZON Regional Director PBGen Eliseo DC Cruz, ang mga suspek ay nakilalang sina alyas Marlon, 33-anyos, binata, driver, at kasalukuyang naninirahan sa Cuervo, Brgy Real Calamba, at alyas Jhemai, 26 years old, single, jobless at kasalukuyang naninirahan sa Brgy Lecheria.

Lumabas sa ulat na noong 11:37 PM ng Nobyembre 4, 2021 sa Brgy. Palo Alto, Calamba City, Laguna, ang mga tauhan ng Calamba CPS Drug Enforcement Team sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLt. Col. Arnel Pagulayan, Chief of Police at mga miyembro ng PDEA Laguna, ay nagsagawa ng Operation gamit ang Body Worn Camera at Alternative Recording Device (ARD) na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos silang mahuli sa akto na nagsabwatan ng pagbebenta ng isang (1) piraso ng plastic sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa pulis na umaktong poseur buyer.

Sa preventive search, nakumpiska mula sa isa sa sa mga suspek na nilagay sa isang coin purse habang kinumpiska mula sa isa pa ang P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Ang lahat ng mga piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu ay inilagay sa isang transparent zip lock na may kabuuang timbang na 6 gramo w/ estimated value na P40,800. EVELYN GARCIA