CAMP AGUINALDO – Dalawang katao ang inulat na nasawi habang dalawa rin ang pinaghahanap pa matapos na anurin ng tubig baha bunsod ng pananalasa ng Bagyong Amang ayon sa office of Civil Defense R11 sa lalawigan ng Davao Oriental.
Sa ulat, patuloy ang search and rescue operation ng OCD-Region 11 sa dalawang residente sa Davao Oriental na nawawala matapos tangayin ng baha sa kasagsagan ng pnanalasa ni Amangumanon ng anurin ng bahang dulot ng bagyong Amang.
Ayon kay Leslie Francisco, spokesperson ng OCD-11, inanod ng tubig baha ang isang mag-anak sa Brgy. San Jose, Caraga kung saan dalawa ang naitalang sugatan.
Minalas naman ang isa nilang kamag-anak, habang nawawala ang dalawang iba pa.
Samantala isang lalaki rin ang inulat na nasawi sa Mati City matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nitong van.
VERLIN RUIZ
Comments are closed.