2 NASAWI SA COVID

INIHAYAG ng City Health Department ng Navotas na binawian ng buhay ang dalawa katao sanhi umano ng sakit na COVID sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa City Health Department, hanggang nitong Enero 4 ay umabot na sa 778 ang kabuuang bilang ng COVID deaths sa lungsod matapos na bawian ng buhay ang dalawa katao.

Matagal na napako sa 776 ang bilang ng namamatay sa COVID sa lungsod.

Samantala, ang total recoveries naman ay 22,035; total active cases 6; at total na nagpositibo sa nasabing sakit ay 22,819.

Lagi pa ring sundin ang health at safety protocols, at magpabakuna o booster para may proteksyon laban sa COVID-19, ayon sa City Hall.
EVELYN GARCIA