KULUNGAN ang bagsak ng dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng mahigit P.4 milyon halaga ng ilegal na droga nang sitahin ng mga pulis dahil walang suot na face mask kamakalawa sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Dave Aguilar, 44-anyos, residente ng 172 Lakas ng Mahirap St., Brgy. 10 at Ramoncito Dasigan , 27-anyos ng Brgy. San Roque, Navotas City.
Ayon kay Mina, nagsasagawa ng Simultaneous Enhanced Managing Operations (SEMPO) ang mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station 4 na sina Cpl Robert Gabano at Pat Charles Harry Son Ferro dakong alas-10:30 ng gabi sa Lakas ng Mahirap St., Brgy. 10 nang sitahin nila ang mga suspek dahil walang suot na face mask.
Nang hanapan ng identification card ay tumanggi ang mga suspek at tinangka nilang tumakas subalit, agad din naman silang napigilan ng mga pulis at naaresto.
Nang kapkapan, narekober sa mga suspek ang isang itim na pouch at 14 pirasong plastic sachets na naglalaman ng nasa 66 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P448,800.
Kasong paglabag sa Art 151 of RPC at Section 11 Art II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. VICK TANES
441156 591402I like this blog its a master peace ! Glad I detected this on google . 521762
3643 794947Extremely nice post. I just stumbled upon your weblog and wanted to say that Ive truly enjoyed surfing around your weblog posts. After all I is going to be subscribing to your feed and I hope you write once again really soon! 73323