PALAWAN- NANGANGANIB na masibak sa serbisyo ang isang police officer na responsible sa pamamaril sa sasakyan ng Philippine Navy na ikinasugat ng dalawang tauhan nito sa kahabaan ng North National Highway sa Barangay Bacungan, Puerto Princesa City noong nakaraang Lunes sa lalawigang ito.
Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat, sakay si Cpl John Vincent Ugalde ng kanyang itim na Toyota Wigo at binabagtas ang national highway nang biglang maunahan ng isang multicab ng Philippine Navy.
Sa salaysay ni Christian Bustillo, seaman apprentice na nagmamaneho ng sasakayan ng Navy na matapos niyang ma-ovetaked ang sasakyan ng pulis ay nakarinig siya ng sunod sunod na busina mula sa Toyota Wigo na sinundan ang putok ng baril na tumama sa hulihang gulong ng multicab.
Dahilan upang bumaligtad ito na naging sanhi para magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang navy personnel .
Sumuko naman si Ugalde sa Police Station 2 ng Puerto Princesa Police Office (PPCPO) kasabay ng pag turned over ng kanyang issued firearm na isang -9mm Glock 17 with ammunition.
“The involved police officer is already under the custody of the Puerto Princesa Police. The PNP is determined to find out the truth so the necessary gathering of evidence is underway. We don’t tolerate rogue acts to flourish in the organization. Our Internal Service Affairs is also conducting an investigation as part of the standard procedure,” ani PNP Chief General Dionardo Carlos .
Ayon pa kay Gen Carlos, sinumang pulis na pinaghihinalaang gumawa ng pagkakamali ay sasailalim sa due process at sakaling malakas ang ebidensiya na nagpapakita ng kanilang pagkakamali ay tiyak na mahaharap sa consequences na katumbas ng kanilang naging pagkakasala. VERLIN RUIZ