UMATRAS na sa kanyang planong pag-uwi sa Filipinas si National Democratic Front (NDF) Consultant Luis Jalandoni upang makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Communist Party of the Philippines (CPP) Chairman Joma Sison, bunsod ito ng mga bantang aarestuhin ito sa oras na makatapak sa bansa.
Kasunod ng pagkansela ni Jalandoni sa kanyang planong pagbabalik-bayan ay umatras na rin si NDF chief negotiator Fidel Ag-caoili.
Kahapon sa isang pulong balitaan ay kinumpirma ni AFP chief of Staff Gen Carlito Galvez na susundin nila ang anumang utos ni Pangulong Duterte patungkol kina Jalondoni at Agcaoili.
Sinasabing natatakot ang dalawang NDF leader sa posibleng pag-aresto sa kanila oras na tumuntong sa Filipinas. “We will just follow the orders what Secretary Año has just said we will just and also kung mayroon silang warrant of arrests.”
Una nang isiniwalat ni Pangulong Duterte na lilipad umano pa-Maynila sina Agcaoili at Jalandoni.
Kalaunan ay kinumpirma ng dalawa na bibisita sila sa Maynila upang makipag-usap sa Punong Ehekutibo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.