MAGTATAYO ang lokal na pamahalaan ng Makati ngayong linggo ng dalawang negative pressure tents sa Ospital ng Makati (OsMak) na gagamitin para sa mga pasyente ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Makati City Mayor Abigail ‘Abbey’ Binay, ang dalawang negative pressure tents na itatayo sa ambulance bay ng OsMak ay mahalaga sa proteksyon ng tao upang hindi mahawa sa kumakalat at nakamamatay na virus.
“Ang Makati ang unang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang unang-una na magtayo ng negative pressure tents na ito,” ani Binay.
Sinabi ni Binay na ang naturang mga tents ay isa sa iba pang pasilidad na ginawa ng Makati para tumugon sa pandemic na katulad ng nararanasan ngayon hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo.
Dagdag pa ni Binay, noong mga unang linggo ng Abril ay nagtayo ang lungsod ng apat na emergency quarantine facilities kung saan ang tatlo ditto ay sa Pembo Elementary School (PES) habang isa naman ay nasa OsMak.
Para naman kay Dr. Vergel Binay, medical director ng OsMak, ang mga naturang tents na pumasa sa international standards ay madaling i-assemble sa mga open spaces tulad ng car parks at warehouse spaces. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.