BULACAN — Ang palaisdaan ay para sa mga isda at hindi paputukan ng baril, ito ang napatunayan ng dalawang negosyante na naaresto sa Lunsod ng Malolos nitong Undas.
Base sa report na natanggap ni Col. Manuel Lukban Jr., OIC Bulacan police director, dinampot ng mga operatiba ng Malolos Police Station sina alyas John Allen at alyas Nito habang nagpapaputok ng mga baril sa isang palaisdaan sa Purok Hanga Brgy. Longos sa nasabing lunsod bandang 1:30 ng hapon nitong nakaraang araw ng Lunes.
Ang mga naaresto ay inireport sa Malolos Police Station dahil sa nakakaalarma na sunod-sunod na putok ng baril.
Sa pagresponde ng mga kapulisan ng Malolos, naaktuhan na nagpapaputok ng baril ang dalawa sa isang palaisdaan.
Kagad na nilapitan ang mga ito ng mga pulis at inaresto.
Narekober ng mga pulis sa dalawa ang isang itim na TARA 9mm pistol na may
serial number AA0660 at magazine na meron apat na bala, isang magazine ng TARA na kargado ng 16 na bala, isang itim na Armscor kalibre .45 na mayroong serial number 883602 at mayroong tatlong bala, isang .38 kalibreng paltik na kargado ng apat na bala, 24 bala para sa 9mm, 43 basyo ng bala para sa 9mm, ;; isang Permit to Carry ID; isang License to Own Firearms ID; at isang Firearm Registration ID. ANDY DE GUZMAN