SURIGAO DEL SUR-DALAWA na namang kasapi ng communist terrorist group New Peoples Army ang napatay ng mga tauhan 36th Infantry “Valor” Battalion, sa Brgy. Nurcia, Lanuza sa lalawigang ito nitong nakalipas na Linggo.
Isinumbong ng mga residente ng Nurcia ang gagawing extortion activities nang may sampung NPA sa campaign rallies ng mga pulitiko.
Bago pa nakapagsagawa ng pangongolekta ng permit to win at permit campaign ang pulutong ng CTG’s ay itinuro na sa mga sundalo ang kinaroroonan mga rebelde.
Ayon sa 36IB, tumagal ng ilang minuto ang bakbakan bago nagpasyang tumakas ang mga ito at iwan ang bangkay ng kanilang mga kasamahan.
Nabawi sa encounter site ang isang M16 rifle at isang Cal. 45 pistol.
Nakipag-ugnayan ang 36IB sa local PNP para madala ito sa Madrid District Hospital for proper verification and proper disposition.
“With the help and support of Surigaonons, we will continue our pursuit operations against CNTs to pre-empt their extorsion activity and terroristic acts. Likewise, this encounter will serve as an eye-opener to the remaining CNTs who still refuse to surrender. This may be the outcome they may also end up with. End the Armed conflict return to your families, surrender yourself, and take control of your life,” ayon kay Lt. Col. Michael Rey S. Reuyan, Commanding Officer ng 36IB. VERLIN RUIZ