2 NPA NA BIKTIMA NG LINDOL SUMUKO

NPA

NORTH COTABATO- DALAWANG New People’s Army (NPA) na biktima ng paglindol na nakisilong sa evacuation center ang sumuko sa militar sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga rebelde na sina alyas Bert at alyas Lenlyn, Guerilla Front Committee 53, Southern Mindanao Regional Committee na kumikilos sa North Cotabato hangganan sa Davao City at Bukidnon.

Sina alyas Bert at alyas Lenlyn ay sumuko kay 7th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer, Lieutenant Colonel Niel Roldan.

Lumapit ang dalawang NPA sa militar na nagsasagawa ng relief operation sa mga biktima ng lindol.

Pahayag ni alyas Bert na pagod na sila sa pakikibaka laban sa gob­yerno, nakaranas ng sob­rang gutom sa bundok at gusto ng mamuhay ng mapa-yapa.

Dala ng mga NPA sa pagsuko ang kanilang mga armas at mga bala.

Sa ngayon ay nabigyan na sila ng tulong ng pamahalaan at tiniyak ng militar ang kanilang kaligtasan.                EUNICE C.

Comments are closed.