MULING nalagasan ng dalawang armadong kadre ang komunistang New People’s Army (NPA) nang mapaslang sila ng militar sa isang engkuwentro sa bayan ng Panganiban, lalawigan ng Catanduanes kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Lt. William Hiponia, company commander ng 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army, nakasagupa ng pinag-sanib na puwersa ng mga sundalo at pulis ang isang pulutong ng rebelde sa Barangay Taopon.
Tumagal ng 10 minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang hindi pa nakikilalang rebelde.
Inabandona umano mga rebelde ang dalawang nasawi .
Sa impormasyong ibinigay ni Maj. Ricjy Anthony Aguilar, 9th Infantry Division DPAO chief, bandang ala-1 ng madaling araw habang nagsasagawa ng combat patrol operation ang pinagsanib na puwersa ng 83rd Infantry Battalion (83IB) at Police Mobile Force Company (PMFC) nang masabat nila ang mga rebeldeng NPA.
Isang AR15 assault rifle ang narekober sa ginawang clearing operation habang patuloy pang tinutugis ang ibang nakatakas.
Kaugnay nito, nanawagan si Joint Task Force Bicolandia (JTFB) commnader MGEN Fernando Trinidad sa makakaliwang hanay na samantalahin ang inaalok na pagbabagong buhay ni Pangulong Duterte sa mga rebelde sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). VERLIN RUIZ
Comments are closed.