AGUSAN DEL NORTE – PATAY ang dalawang miyembro ng sinasabing kasapi ng communist New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro sa Butuan City, Agusan del Norte nitong nakalipas na linggo na nagresulta sa pagkakarekober ng limang high powered firearms.
Ayon kay Col. Maurito Licudine, commander ng Army 402nd Infantry Brigade, sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng grupo sa Sitio Salvacion, Barangay Bugabos nang masabat ng mga tauhan ng Philippine army 402nd Infantry Brigade ang isang grupo ng mga rebelde.
Agad na nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal ng ilang minuto bago umatras ang mga communist rebels.
Pahayag ni Licudine, nagawa pang madala ng mga rebelde ang bangkay ng isa nilang kasamahan.
Habang naiwan naman ang bangkay ng isa pang nasawi at dinala na ito sa mga opisyal ng nasabing barangay para mailibing.
Nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro ang tig-dalawang AK-47 at M653 riffle habang patuloy na tinutugis ang mga tumatakas na NPA. VERLIN RUIZ
Comments are closed.