MASBATE- PATAY sa engkuwentro sa militar ang dalawa umanong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Tuburan, Cawayan.
Alas-7 ng umaga nang makasagupa ng mga rebelde ang tropa ng 2nd Infantry Battalion, Philippine Army sa Purok 5.
Sa pinalabas na ulat ng 2IB, matapos silang makatanggap ng impormasyon tungkol sa presensya ng mga armadong grupo ay agad silang rumesponde sa lugar upang ito’y kumpiramahin nang bigla silang paputukan ng mga kalaban dahilan para sila ay gumanti.
Nasa 10 miyembro ng NPA sa pamumuno ng isang Reynaldo Dosdos Molejon of PN1, KLG South, SRC4 ang nakasagupa ng tropa.
Nasawi ang dalawa mula sa kalaban ng mga militar at nasamsam ng mga sundalo ang ibang kagamitan ng mga rebelde tulad ng isang (1) M16 rifle, isang (1) Cal. 38 Revolver, isang (1) homemade shotgun at limang (5) cellphones.
Walang naiulat na namatay o nasugatan sa panig ng pamahalaan. PMRT