2 NPA RED FIGHTERS NAPURUHAN SA ENCOUNTER

Cenon Pancito

NEGROS ORIENTAL – DALAWANG kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napaslang ng militar sa naganap na sagupaan sa Barangay Binobohan, Guihulngan City noong Biyernes ng gabi.

Nasabat ng mga sundalo mula sa Army 62nd Infantry Battalion ang isang pulutong ng mga NPA.

Ayon sa tagapagsalita ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army,  Capt. Cenon Pancito, kasalukuyang nasa combat patrol operations ang mga sundalo bilang pag­responde sa ulat na mga panggugulo umano ng mga rebelde nang mang­yari ang engkuwentro.

Nabatid pa sa ulat na ibinahagi ni  Pancito, napilitang umatras ang may 20 NPA matapos na maramdaman ang pu­wersa ng mga sundalo at malagasan sila ng dalawang kadre.

Sinasabing kapwa miyembro umano ng Special Partisan Unit ng NPA ang dalawang napatay na rebelde.

Bukod sa mga labi ng dalawang rebelde, narekober din sa lugar ang tatlong baril at apat na magazine na may lamang bala. VERLIN RUIZ

One thought on “2 NPA RED FIGHTERS NAPURUHAN SA ENCOUNTER”

Comments are closed.