CENTRAL LUZON-DAHIL sa sunod-sunod na military operation at pagsuko ng mga rebeldeng komunista sa Southern Luzon Command, patuloy na ang paghina ng Communist party of the Philippine-New Peoples Army (CPP-NPA) sa Hilaga at Gitnang Luzon.
Ito ang inihayag ni NOLCOM Commander Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. kasunod ng pagka-neutralize sa limang kasapi ng komunistang grupo.
Nabatid na may dalawang disgruntled member ng communist terrorist group ang sumuko sa Sta. Lucia, Ilocos Sur habang nadakip naman ang isang NPA member at dalawang NPA supporters sa Cauayan, Isabela.
Kinilalang ang dalawang rebelde na sina alias Oyet at alias Dadong na kapwa kasapi ng Milisya ng Bayan sa ilalim ng Kilusang Larangang Gerilya South Ilocos Sur (KLG SIS).
Isinuko nila ang isang Bushmaster M4 rifle at tatalong magazines na may 480 rounds ng live ammunition para sa M4 rifle at 256 na bala para sa Cal .45 pistol sa mga tauhan ng 7th Infantry Division nang iharap sila kay Sta. Lucia Mayor Joseph S. Valdez.
Sa hiwalay na military operation, nadakip naman sina Jerry Ramos alias Bobol, kasapi ng NPA member sa ilalim ng KR – CV Central Front kasama sina Herminio Ramos alias Minio at Virgilio Dela Cruz alias Junior Barangay Villaflor, Cauayan City, Isabela.
Nakuha sa pag-iingat ng tatlo ang dalawang improvised explosive devices, tatlong detonating cords, tatlong rifle grenades, tatlong hand grenades, isang Cal .45 pistol, na may isangmagazine, at subversive documents. VERLIN RUIZ
Comments are closed.