2 NPA SUPPLY OFFICERS NADAKIP SA ENGKUWENTRO

MINDANAO-DALAWANG medical officer ng communist New Peoples Army (NPA) ang nadakip ng mga tauhan ng 1003rd Infantry Brigade sa naganap na sagupaan na nagresulta sa pagkakabawi sa apat na mataas na kalibre ng baril bukod sa kasamang sugatan NPA kamakalawa ng hapon sa Sitio New Laslasakan,Barangay Palma Gil sa bayan ng Talaingod sa lalawigang ito.

Sa ulat na natanggap ni 10th Infantry Division Commander Major General Ernesto “Jun” Torres, nakasagupa ng kanyang mga tauhan ang isang grupo ng communist terrorist na pinamumunuan ng isang alyas Macky na nagresulta sa pagkaka ldakip sa dalawang NPA Terrorist.

Sugatan nang matagpuan ng mga sundalo ang isang Masarinda Balite alias “Alina”,medical and supply officer ng Sub-Regional Guerilla Unit, Sub-Regional Committee 5 ng Communist NPA Terrorist (CNT) na agad nilapatan ng lunas.

Nasugatan si Alina sa naganap na may 20 minutong habulan at bakbakan nang hindi lubayan ng mga humahabol na miyembro ng 56th IB, 27IB at 3IB dahilan upang madakip din ang kasama nitong si Odessa Dumol alias “ANN” .

Ayon kay Col. Consolito Yecla, Commander ng 1003rd Brigade nauwi sa engkuwentro ang ginawa sanang pagpapasuko sa grupo ni alias Macky na kinukumbinsi ng isang Ka Eloy para sumuko na ang mga nalalabing IP CNTs at tanggapin ang peace program na inaalok ng gobyerno.

Nakuha sa encounter site ang tatlong M-16 assault rifles at isang (1) M-4 rifle na hinihinalang sinadyang bitiwan sa kanilang pagtakas .

Una rito, nagpasyang sumuko ang dalawang CNTs na kinilalang sina Nester Tausan alias “Bong”, 19-anyos, supply officer ng Squad Primera Andoy ng SMRC, naninirahan sa Sition Sambulongan, Palma Gil, Talaingod, at Wena Teklonay alias “Sirena”, 18-anyos, Supply Officer, Platoon Basil of SMRC, naninirahan sa So Muling, Gupitan, Kapalong . VERLIN RUIZ