CAGAYAN – ARESTADO ang dalawang nagpakilalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nahuling nangingikil sa ilang sari-sari stores ng food items at condiments sa bayan ng Gattaran ng nasabing lalawigan.
Hindi pa pinangalanan ng mga miyembro ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army ang nahuling dalawang sinasabing NPA sa Barangay Tanglagan, Gattaran, Cagayan matapos na maaktuhan ang pangingikil.
Napag-alamang ang dalawang nagpakilalang NPA ay mula sa Barangay Mabuno na kung saan ay doon sila nangingikil sa mga nag mamay-ari ng mga tindahan at nanghihingi umano ng mga pagkain at nang lumipat sa Barangay Tanglagan, doon na sila nasakote ng Philippine Army.
Isasampa ang kasong robbery with intimidation sa mga suspek. IRENE GONZALES
Comments are closed.