NORTHERN SAMAR- KUMIKILOS na ang mga tauhan ng Philippine Army (PA) at Philippine National Police (PNP) para tukuyin ang responsable sa naganap na pagsabog ng itinanim na improvised explosive device na ikinamatay ng dalawang tao sa isang construction site sa Las Navas sa lalawigang ito.
Sa ulat, ang dalawang sibilyang nasawi sanhi ng pagsabog kamakalawa n tanghali sa Brgy. Magsaysay, bayan ng Las Navas ay nakilalang sina Rowel Lebeco, 32-anyos at Jerson Cabe, 29-anyos na kapwa construction workers.
Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat na lulan ng motorsiklo ang mga biktima at pagdating sa palikong bahagi ng kalsada ay biglang sumabulat ang isang IED na hinihinalang sadyang itinanim sa gilid ng kalsada na ikinasawi ng dalawa.
Inaalam ng militar kung kagagawan ito ng mga nalalabing communist terrorist group sa lalawigan ng Samar. VERLIN RUIZ