2 OBRERO TODAS SA BUNDOL NG MOTORSIKLO

RIZAL- PATAY ang dalawang construction worker nang mabundol ng rumaragasang Honda brio kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Ortigas Avenue, Cainta.

Ayon sa ulat ng Cainta PNP, kinilala ang dalawang nasawi na sina Aris Pabalan at Alduwin Baldovino, kapwa residente ng Mabalacat, Pampanga .

Samantala, naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na si alyas Timothy, 29-anyos ng Lot-17 Blk-1, Employee Housing Village, Maybunga Pasig City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling araw habang papatawid ang mga biktima sa Buli Bridge, Ortigas Avenue Extension, Cainta nang masapol ng humaharurot na Honda brio na may plakang NFY-4943 na minamaneho ng suspek.

Sa lakas ng impak o pagkakabangga sa mga biktima kapwa ito tumilapon at tumama ang mga ulo at katawan sa sementadong kalsada na naging sanhi umano ng agarang pagkamatay ng mga ito.

Naaresto naman ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad matapos tumakas at nahaharap ngayon sa kasong multiple homicide. ELMA MORALES