2 ofws na nabakunahan vs covid, nagpositibo sa swab test

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang dalawang overseas Filipino workers kahit tapos nang mabakunahan laban sa virus.

Isang 43-year old migrant mula United Arab Emirates ang nabakunahan ng Sinopharm vaccine na galing sa Tsina. Samantala, isa ring 25- year old mula Canada ang tinurukan ng isang dose ng Pfizer vaccine.

Ayon kay Department of Health Central Visayas Chief Pathologist at spokesperson Dr. Mary Jean Loreche, hindi sumailalim sa swab test ang UAE migrant dahil nag 14-day quarantine ito, subalit nang bumalik sa UAE ay nagpositibo ito.

“Because he underwent the 14-day quarantine upon arrival, we did not do any swabbing yet,” pahayag niya.

Samantala, ang isang OFW din mula Canada ay lumabas na positibo sa COVID-19 habang siya nasa kanyang ikalimang araw ng quarantine.

Paliwanag ni Loreche, ang bakuna ay isang paraan lamang upang maiwasan ang virus subalit hindi ibig sabihin nito ay hindi na tatamaan ng COVID-19 kapag ang isang indibidwal ay may bakuna na. LIZA SORIANO

20 thoughts on “2 ofws na nabakunahan vs covid, nagpositibo sa swab test”

Comments are closed.