2 OFWs NA NADAMAY SA SUNOG SA KUWAIT BUMUBUTI ANG KONDISYON

BUMUBUTI na ang kondisyon ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na nasugatan sa sunog sa Kuwait, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na isa sa Filipino workers ang nakalabas na ng ospital, habang ang isa ay nananatili sa intensive care unit subalit nagpakita ng mga palatandaan ng improvement.

“One who was in ICU then transferred to a hospital ward has been released and is now in company accommodation. The other OFW who is still in ICU has shown signs of improvement and we hope and pray he is on the road to full recovery,” sabi ni Cacdac sa isang post sa X (dating Twitter).

Ang insidente ay nagresulta sa pagkamatay ng tatlong iba pang OFWs dahil sa pagkakalanghap ng usok.

Ang mga biktima ay pawang nagtatrabaho sa isang Kuwaiti construction company.

Samantala, anim sa kanilang kapwa Filipino colleagues na nakaligtas sa sunog ang nanatili sa Kuwait.