NEW ZEALAND – PATAY ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) habang tatlong iba pa ang sugatan nang salpukin ng train ang kanilang sinasakyang kotsse sa katimugang bahagi ng New Zealand.
Sinabi ni Ambassador Jesus Domingo na ang insidente ay naganap sa Bay of Plenty alas-8:15 ng umaga habang papatawid sa railway.
Bagaman naging seryoso ang lagay ay maayos na ang kondisyon ng tatlo subalit dalawa ang nasawi.
Noong isang linggo lamang dumating sa New Zealand ang lima at mamamasukan bilang fruit pickers.
Tumanggi muna si Domingo na ilabas ang pangalan ng mga biktima dahil kinailangan pang ipaalam sa pamilya ang insidente.
Tiniyak naman ng Philippine Embassy na kanilang aayudahan ang mga biktima at pamilya. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.