2 OFWs PINARANGALAN SA TAIPEI

Hou Hou-Yi

DALAWANG Overseas Filipino Workers (OFWs)  ang pinarangalan sa Taiwan sa gina­nap na annual search for Outstanding Migrant Workers ng Labor Affairs Department ng Taipei City.

Ayon sa ulat Philippine Overseas Labor Office sa Taiwan, kabilang ang OFWs sa daan-daang modelo at katangi-tanging manggagawang Taiwanese at labor union na nabigyan ng pagkilala sa Kapitolyo ng Taiwan.

Nabigyan ng pagkilala ni Taipei City Mayor Hou You-Yi sa ginanap na Taipei annual recognition ceremony for exemplary workers sina Evelyn G. Kaguitla, isang factory worker ay napili dahil sa kanyang mahusay na kaugalian sa trabaho bunsod ng pagtulong niya sa mga nangangailangan at  Amelia A. Comilang, isang careworker ay kinilala naman sa kanyang pagiging pasensyoso at kasanayan sa pag-aalaga. Siya ang nag-aalaga sa lola ng kanyang employer na mayroong sakit na dementia.

Kinilala sila dahil sa kanilang dedikasyon at sipag sa trabaho sa kabila ng pandemya sa CO­VID-19 kaugnay sa Labor Day celebration ng lungsod na may temang “Making the Workplace Safer for Laborers.”

Ang dalawang manggagawang Pinay ay nakatanggap ng tropeyo at cash prize na NT2,000 mula sa alkalde ng Taipei City.

Binati ni Hou sina Kaguitla at Comilang, at iba pang nagwagi na kinabibilangan ng pitong Taipei City model worker, 191 outstanding wor­ker, 11 outstanding general affairs personnel ng mga unyon, at 63 outstanding union.

Ang Outstanding Migrant Worker Award ay taunang seremonya ng New Taipei City Labor Affairs Department na kumikilala sa mga legal foreign workers na nagtrabaho ng hindi bababa sa isang taon sa lungsod. PAUL ROLDAN

Comments are closed.