KINUMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ng dalawang opisyal ng Marcos administration.
Kabilang sa mga ito ay sina George Garcia bilang chairman ng Commission on Elections (Comelec) at Karlo Nograles bilang chairman ng Civil Service Commission (CSC).
Sina Garcia at Nograles ay manunungkulan sa Comelec hanggang Pebrero 2, 2029.
Itinalaga si Garcia na Comelec commissioner habang CSC chairman naman si Nograles noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang na-bypassed ang kumpirmasyon ng nominasyon ng dalawa dahilan sa kawalan ng quorum. LIZA SORIANO