PORMAL na ipinagharap ng sakdal ni Administrator Ricardo R. Visaya ng National Irrigation Administration (NIA) ang dalawang incumbent provincial irrigation management officials dahil sa umano’y pagkakasangkot sa maanomalyang proyekto ng ahensiya.
Ayon kay Adm. Visaya, matapos ang sinagawanag preliminary investigation ay kinakitaan ng prima facie case sa paglabag sa Section 46 ng Revised Administrative Code of 1987 at Section 4 ng Republic Act No. 6713 or the “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees” ang dalawang official
Ito ay may kaugnayan sa kabiguan nilang ipatupad ang tamang preventive/corrective measures na nakadagdag sa mga damage ng mga diversion dam ng Bugko Irrigation Project noong Setyembre 12, 2017 sa Barangay Mirador, Mondragon, Northern Samar.
Ang kaso ay inendorso sa Committee on Discipline para sa pagsasagawa ng formal investigation.
Nabatid na ang dalawang NIA officials ay kasalukuyang sumasailalim sa preventive suspension para matiyak na walang magi-ging sagabal sa imbestigasyon bilang pagtalima sa Rule 7 ng 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service.
Nabatid na nitong mga nakalipas na buwan ay ilang NIA officials ang nasibak na dahil sa iba’t ibang kaso, at criminal liability sa mga project implementation, habang ilan pa ang kasalukuyang iniimbestigahan.
Kamakailan ay naghain ang NIA ng graft and corruption case laban sa ilang incumbent at retired regional officials sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y mga anomalya sa mga irrigation project implementation.
Ang nasabing hakbang ay upang mabigyan ng wastong panahon ang Ombudsman na magsagawa ng pagsisiyasat at paghahain ng formal criminal charges sa mga sangkot na opisyal kung kinakailangan.
Ayon kay Visaya na dating Armed Forces Chief of Staff, isa sa tampok sa kanyang four-point agenda sa NIA ay ang pagwawalis sa graft and corruption. VERLIN RUIZ
Comments are closed.