2 OPISYAL NG MIAA SINIBAK SA PUWESTO

MIAA-2

SINIBAK sa puwesrto ng Office of the Ombudsman ang dalawang matataas na opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) matapos mapatunayan na guilty sa kasong Grave Misconduct at Abuse of authority.

Ayon Kay Ombudsman Samuel Martines, sina Cesar Choing at Irene Montalvo ay guilty sa kasong grave misconduct , abuse of Authority at conduct prejudicial to the best interest of the service , dahil sa ipinatupad na reassignment ng 300 empleyado ng walang basehan.

Ayon pa kay Martines, ang 300 employees ay inilipat sa posisyon at itinalaga sa trabahong wala silang kaalaman at karanasan dahil sa ang mga departmentong ito ay hindi naayon sa kanilang kakayahan at kasanayan.

Ang tinutukoy ni Martines ay ang reassignment ng isang electrical engineer, mula sa electrical division ginawang manager ng Airport police department .

Bukod sa dismissal mula sa serbisyo ay na- forfeit din ang mga benepisyo ng dalawang opisyal , perpetual disqualification sa mga government service sa alin man sangay ng pamahalaan. FROILAN MORALLOS