2 OPISYAL NG TAGUIG-PNP SIBAK

Chief Supt Tomas Apolinario Jr

TINANGGAL sa puwesto ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. ang dalawang opisyal na nakatalaga sa Taguig City Police at Pateros dahil sa “low performance” ng mga ito.

Ayon kay Apolinario, sinibak  niya sa puwesto si Supt. Maurito Caraguian bilang Assistant Chief of Police for Operation (ACOPO)  ng Taguig City Police habang ang pumalit sa kanya ay si Supt. Clarence Gumeyac.

Bukod kay Caraguian, sinibak din bilang ACOPO ng Pateros Police Station si Chief Inspector Ritchie Salem at pumalit sa puwesto nito ay si Supt. Joey Gofforth.

Ayon kay Apolinario, base sa isinagawang evaluation ng District Oversight Committee ng SPD, bumagsak umano sa kanilang performance sina Caraguian at Salem, kung kaya’t ang naging grado ng mga ito ay “low performance”.

Ibinase ang pagsibak sa dalawang opisyal ay kaugnayan sa  ipinatutupad na apat na parameters, tulad ng Solution Efficiency,  Enhanced Managing Police Operations,  Police Community Relations at ang giyera kontra droga.

Bukod dito, naging “poor performance” din si Caraguian dahil sa command responsibility matapos masangkot ang ilang tauhan nito sa pangongolorum ng sasakyan na nahuli sa operasyon ng I-ACT at LTFRB. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.