ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nilang Officer-in-Charge ng Department of Health at dating Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Melquiades Robles bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito ang inanunsiyo ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles sa ginanap na press briefing kahapon sa Malakanyang.
Sì Vergeire na kasalukuyang undersecretary for public health services ay nagsimula ng kanyang bagong tungkulin kahapon sa nabanggit na kagawaran.
Sinabi ni Angeles na sa ilalim ng pamumuno ni Robles sa LRTA ay naging profitable ang ahensiya.
Bago sa LRTA ay naging board member din si Robles sa IBC 13 at ngayo’y isang negosyante na engaged sa real estate. EVELYN QUIROZ