NAARESTO ng Bureau of Immigration sa Batangas at Laguna ang dalawang Myanmar national dahil sa pagiging overstaying at undesirable alien.
Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. ang naaresto na sina John Simon, 25 anyos, na dinakip nitong Marso 5 sa ikinasang operasyon ng BI Intelligence at Sta. Rosa Police.
Arestado rin si Arazil Saeid habang dumadalo sa hearing sa Lipa Hall of Justice sa Batangas.
Si Arazil ay mayroon warrant of deportation noong Agosto 2018 na inisyu ng BI dahil sa misrepresentation sa kanyang application for temporary residence.
Nakapiit ang dalawa sa BI detention facilities sa Taguig City. FROI MORALLOS
Comments are closed.