DALAWA pang miyembro ng gabinete ang pinagbibitiw na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto dahil pa rin sa alegasyon ng korapsiyon.
Sa kanyang talumpati sa Cebu para sa pagbubukas ng Alegria oil field at opening ceremony ng Philippine National Games, iginiit ni Pangulong Duterte na hindi siya magdadalawang-isip na sipain ang sinumang government official na sangkot sa katiwalian.
Bagaman hindi pinangalanan, isa aniyang assistant-secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ka-‘brod’ sa law school ang isa sa mga opisyal na kanyang pinagre-resign.
Magugunitang puwersahang pinagbitiw ni Pangulong Duterte sina assistant secretaries Moslemen Macarambon Sr. ng Department of Justice at Tingagun Umpa ng DPWH.
Ito’y makaraang ituro ng Presidential Anti-Corruption Commission si Macarambon na sangkot sa pag-smuggle ng ginto at iba pang alahas sa NAIA habang inakusahan si Umpa ng pang-aabuso sa kapangyarihan. DWIZ882
Comments are closed.