2 PA SUSPEK SA MASBATE MASSACRE NASAKOTE NA

MASBATE-NADAKIP na ng Baleno Police Station ang dalawa pang suspek sa pagpaslang sa lima katao kabilang ang lolo at lola ng dalawang dalagitang mga biktima sa Barangay Tinapian, Baleno, Masbate noong Agosto 28 ng gabi.

Ayon kay Police Regional Office-5 Regional Director, PBGen. Jonel Estomo, naaresto sa follow operations ang ama at tiyuhin ng 16-anyos na binatilyo na naunang naaresto ng Baleno Municipal Police Station sa pagpatay sa lima katao at pagkasugat ng isa pa.

Sinabi ni Capt. Ronnie Corral, hepe ng Baleno Municipal Police Station, pinoproseso na ang isasampang kaso laban kay alyas Mark, 16-anyos; ama nito na si Deonilo Rabino, na siyang nagplano ng panlolob at ang tiyuhin na si Rowel Rabino.

Una nang inamin ng naarestong si Mark kung sino ang kasama niya sa krimen at sinabing lookout lamang siya.

Si Deonilo ay natunton ng pulisya sa Sitio Gold-Bug, Brgy. Syndicate, Aroroy habang si Rowel ay nakita sa Brgy. Capsay.

Magugunitang noong alas-11 ng gabi ng Agosto 28, ay napatay sa panloloob ng mga suspek sina Jesus Adique, 70-anyos; Adela, 67-anyos; mga kamag-anak na sina Jennifer, 40-anyos, Joyce 17-anyos at Kristelle, 14-anyos; habang sugatan si Angel, 13-anyos.

Kinabukasan ng umaga Agosto 29, nang madiskubre ang labi ng mga biktima ng mga pulis habang dinala sa ospital si Angel. Ilang oras pa ay naaresto si Mark sa kanilang bahay na malapit lang sa crime scene. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “2 PA SUSPEK SA MASBATE MASSACRE NASAKOTE NA”

  1. 935495 709011I was reading some of your content material on this web site and I think this internet site is actually informative! Maintain putting up. 970359

  2. 438171 282153You developed some decent points there. I looked online for the issue and identified most people may possibly go as effectively as utilizing your internet website. 270472

Comments are closed.