2 PAGSABOG SA MINDANAO ‘DI ERVS

Albayalde

MAGUINDANAO –NANINDIGAN ang Philippine National Police (PNP) na walang kinalaman sa eleksiyon ang serye ng pagsabog sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao at Cotabato City sa North Cotabato.

Sa press briefing, sinabi ni PNP chief, Gene­ral Oscar Albayalde na lumabas sa kanilang inis­yal na imbestigasyon na walang koneksiyon ang pagsabog sa eleksiyon.

Dalawang pagsabog ang naganap sa bisinidad ng Poblacion Dalcan sa Datu Odin Sinsuat bandang ala-1 ng madaling-araw at alas-7:10 noong Lunes ng umaga.

Samantala, naniniwala ang militar na pananakot lamang ang motibo sa serye ng pagsabog sa Central Mindanao.

Ito ang naging assessment ni 6th Infantry Division commander M/Gen. Cirilito Sobejana.

Walang nasugatan at walang napinsalang properties sa nangyaring pagsabog.

Subalit tiniyak ni Sobejana na hindi magtatagumpay ang mga ito dahil sisiguraduhin ng militar na makaboboto ang mga tao at mahigpit nilang mino-monitor ang mga political rival na pinaniniwalaang nasa likod ng pagsabog.

Nabatid na “on-time” namang nagsimula ang botohan sa Central Min­danao.

Samantala, walang dapat pangambahan ang publiko sa nangyaring pagsabog sa Cotabato City at sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Apela ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo sa mga botante sa mga lugar na ito, na ‘wag magpatakot at ituloy ang pagboto. AIMEE ANOC

Comments are closed.