2 PANG BARANGAY SA REGION 2 DRUG CLEARED

drug cleared

ISABELA – DALAWA pang barangay sa Region 2 ang cleared na mula sa droga, ayon sa Philippine  Drug Enforcement Agency (PDEA).

Idineklarang drug cleared ang mga barangay ng Calao West at Barangay Salvador na kung saan ay dinaluhan ng mga opisyal ng barangay, Station 1 ng Santiago City Police Office, PDEA region 2 at mga pinunong lokal ng Santiago City.

Ang dalawang barangay ay mahigpit na isinailalim sa pagsusuri upang matiyak na wala nang nagsasagawa ng operasyon ng ilegal na droga.

Mula sa 18 barangay na nasasakupan ng Station 1 ay naideklara nang drug cleared ang mga barangay ng San Andres, Cabulay, Abra, Nabuan, Calao West at Barangay Salvador.

Sinabi ni Police Major Reynaldo Maggay, station commander ng Station 1 ng SCPO, na nagpapasalamat sila sa lahat ng mga nagpursige upang maideklarang drug cleared ang nasabing mga lugar. PILIPINO Mirror Reportorial Team

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *